Sa kanyang keynote speech sa Ika-14 na Pulong Ministeryal ng mga Signataryong Panig ng Memorandum of Understanding on Drug Control in the Greater Mekong Subregion, ipinahayag ni Wang Xiaohong, Kasangguni ng Konseho ng Estado at Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, na nitong 30 taong nakalipas, sapul nang buuin ang mekanismong pangkooperasyon ng Greater Mekong Subregion sa paglaban sa droga, malusog na pinasusulong ng iba’t-ibang panig ang pag-unlad ng nasabing mekanismo.
Kailangan aniyang magkapit-bisig upang malutas ang problema ng droga sa rehiyong ito.
Kasama ng iba’t-ibang panig, nakahandang magsikap ang panig Tsino upang komprehensibong harapin ang mga hamong dulot ng droga at magbigay ng bago at mas malaking ambag sa pagprotekta sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan, dagdag ni Wang.
Matatandaang ang drug control mechanism in the Greater Mekong Subregion ay magkakasanib na binuo ng Kambodya, Tsina, Laos, Myanmar, Thailand, Biyetnam, at United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) upang harapin ang namumukod na problema ng droga sa rehiyon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio