Ugnayan ng Tsina’t Kambodya, sintatag ng bato: ehemplo ng bagong uri ng internasyonal na relasyon – premyer Tsino

2023-09-07 16:36:29  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Setyembre 6, 2023, sa Jakarta, Indonesya, kay Hun Manet, Punong Ministro ng Kambodya, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na sintatag ng bato ang ugnayan ng dalawang bansa.

 


Ito rin aniya ay isang ehemplo ng bagong uri ng internasyonal na relasyon.

 

Tulad ng dati, suportado ng Tsina ang Kambodya sa pagtahak sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan, at pangangalaga sa soberanya at kapakanan ng pag-unlad, saad ni Li.

 

Patuloy rin aniyang palalakasin ng Tsina at Kambodya ang pagpapalitang pangkaibigan, at lalo pang pag-uugnayin ang estratehiya ng pag-unlad, tungo sa pagkakamit ng mutuwal na benepisyo.

 

Ipinahayag naman ni Hun Manet, na ang Tsina ay mabuting kaibigan at katuwang ng Kambodya.

 

Sa pundasyon ng mapagkaibigang relasyong magkasamang itinatag nina dating Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya at Pangulong Xi Jinping ng Tsina, patuloy aniyang magsisikap ang Kambodya, kasama ng Tsina, para pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio