Mas malaking ambag sa pambansang pagbangon, ipinanawagan ni Xi Jinping

2023-09-10 12:08:49  CMG
Share with:

Sa liham ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa talakayan kaugnay ng Ika-39 na Araw ng mga Guro o Teachers’ Day, Setyembre 9, 2023 sa Beijing, ipinahayag niya ang mainit na pangungumusta at taos-pusong pagbati sa malawak na masa ng mga guro at mga trabahador sa sirkulo ng edukasyon.


Nanawagan siya sa mga guro ng buong bansa na magbigay ng mas malaking ambag upang maitayo ang isang mas malakas na Tsina at isakatuparan ang pag-ahon ng Nasyong Tsino.


Ngayong araw, Setyembre 10, 2023 ay Ika-39 na Teachers’ Day ng Tsina.


Layon nitong bigyang pasasalamat ang ambag ng mga guro ng bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio