Sa kanyang talumpati sa unang sesyon ng Ika-20 Group of 20 (G20) Summit sa New Delhi, India, ipinahayag Setyembre 9 (lokal na oras), 2023 ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na may komong kapalaran ang buong sangkatauhan, kaya dapat igalang ng iba’t-ibang bansa ang isa’t-isa at mapayapang makipamuhayan.
Sa harap ng napalaking krisis at komong hamon, dapat igiit ng iba’t-ibang bansa ang pagkakaisa at pagtutulungan, ani Li.
Tinukoy rin niyang dapat sundin ng mga miyembro ng G20 ang kanilang orihinal na hangarin, na pagkakaisa at pagtutulungan upang isabalikat ang responsibilidad ng siglo na kapayapaan at kaunlaran.
Aniya pa, kailangang matatag na isulong ng lahat ang globalisasyong pangkabuhayan para magkakasamang mapangalagaan ang kadena ng industriya at suplay ng buong mundo.
Dapat magkakasamang proteksyunan ng iba’t-ibang bansa ang luntiang lupang-tinubuan, isulong ang berde at mababang-karbong pag-unlad, pangalagaan ang kapaligirang ekolohikal tungo sa pagiging magkatuwang sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng buong mundo, aniya pa.
Diin niya, matatag at patuloy na palalalimin ng Tsina ang reporma at palalawakin ang pagbubukas sa labas, isusulong ang de-kalidad na pag-unlad at modernisasyong Tsino.
Kasama ng iba’t-ibang bansa, magsisikap aniya ang panig Tsino upang magbigay ng mas malaking para sa mundo, komong lupang tinubuan, at komong kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio