Isang mensaheng pambati ang ipinadala Setyembre 10, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa 2023 Pujiang Innovation Forum.
Tinukoy sa mensahe ni Xi na ang inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya ay mahalagang puwersa ng sangkatauhan sa pagharap sa mga panganib at hamon at pagpapasulong ng kapayapan at kaunlaran.
Ani Xi, buong tatag na igigiit ng Tsina ang estratehiya ng pagbubukas, walang patid na palalawakin ang pagbubukas sa labas, at itatayo ang eko-sistema ng bukas na inobasyong may kakayahang kompetitibo sa daigdig upang makalikha kasama ng iba’t-ibang bansa ng bukas, pantay, at makatarungang kapaligirang pangkaunlaran ng siyensiya’t teknolohiya.
Sa magkasanib na pagtataguyod ng Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya at pamahalaang panlunsod ng Shanghai, binuksan nang araw ring iyon sa Shanghai ang 2023 Pujiang Innovation Forum na may temang “Open Innovation Ecosystem: Innovation for Global Connectivity.”
Salin: Lito