Pakikiramay, inihayag ng pangulong Tsino sa pangulo ng Brasil

2023-09-10 12:06:15  CMG
Share with:

Dahil sa napakalakas na ulan, nagkaroon ng grabeng pagbaha sa dakong timog silangan ng Brasil na nagdulot ng napakalaking kasuwalti, kaugnay nito, isang mensahe ng pakikiramay ang ipinadala Setyembre 9, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Brazilian counterpart na si Luiz Inacio Lula da Silva.


Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot ni Xi ang malalim na pakikidalamhati sa mga biktma, at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi at nasugatan.


Nananalig aniya siyang tiyak na mapagtatagumpayan ng mga apektadong lugar ang mga pagsubok at muling maitatayo ang kanilang mga tahanan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio