Mensahe ng pakikiramay, inihayag ni Xi Jinping para sa haring Moroccan

2023-09-10 12:05:24  CMG
Share with:

Kaugnay ng malakas na lindol sa Morocco na nagbunsod ng malaking kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian, isang mensahe ang ipinadala Setyembre 9, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Mohammed VI, Hari ng Morocco.


Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot ni Xi ang malalim na pakikidalamhati sa mga biktima, at taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi at nasugatan.


Nananalig aniya siyang sa pamumuno ni Haring Mohammed VI, tiyak na makakahulagpos ang pamahalaan at mga mamamayan ng Morocco sa kahirapan at muling makatatayo ang kanilang lupang tinubuan sa malapit na hinaharap.


Salin: Lito

Pulido: Rhio