G20 Summit, ipininid

2023-09-11 10:30:30  CMG
Share with:

New Delhi, India Ipininid Setyembre 10, 2023 ang 2 araw na Ika-18 G20 Summit.


Pinagtibay sa summit ang “Deklarasyon ng G20 Summit sa New Delhi” kung saan inulit ang pangako ng G20 Summit bilang pangunahing porum ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan.


Sa pulong ng pagpipinid, ang Brazil ay naging bagong bansang tagapangulo ng G20.


Gaganapin ang susunod na G20 Summit sa Rio de Janeiro, Brazil sa huling hati ng taong 2024.


Salin: Lito