Kaugnay ng pagsasagawa ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ng pagmo-monitor sa pagtatapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat, ipinahayag Setyembre 12, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang anumang pagmo-monitor ay hindi magiging pahintulot sa pagtatapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat, at hindi nitong maaari bigyan ng katuwiran at legalidad ang nagagawa ng Hapon.
Dapat aniyang agarang itigil ng panig Hapones ang paglilipat ng panganib ng polusyong nuklear sa buong mundo.
Ani Mao, ang pagtatapon ng Hapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat ay may kaugnay ng malaking kapakanan at pagkabahala ng iba’t-ibang bansa. Ang umano’y pagmo-monitor kamakailan ng Sekretaryat ng IAEA sa Hapon ay walang awtorisasyon ng Board of Governors at wala ring lubos na pagtalakay ng mga kasaping miyembro nito, dagdag pa niya.
Hindi ito internasyonal at independiyente, diin ni Mao.
Salin: Lito