Premyer Tsino, dadalo sa Ika-20 CAExpo

2023-09-14 17:21:07  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Setyembre 14, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalo si Premyer Li Qiang ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-20 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS) na idaraos Setyembre 17 sa Nanning ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi.

 

Dadalo rin dito ang matataas na opisyal ng Kambodya, Laos, Malaysya, Biyetnam, Indonesya at Thailand.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio