Inilabas, Setyembre 13, 2023 ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Panukala hinggil sa Reporma at Pagpapabuti ng Pandaigdigang Pamamahala.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng bansa, na komprehensibong ipinaliliwanag ng nasabing panukala ang paninindigan at mungkahi ng Tsina sa reporma sa mga multilateral na organisasyon at mahahalagang larangan ng pandaigdigang pangangasiwa na gaya ng pandaigdigang seguridad, pag-unlad, karapatang pantao, at lipunan.
Mula Setyembre 19 hanggang 26, 2023, idaraos ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations ang pangkalahatang debatehan.
Hinggil dito, sinabi ni Mao, layon ng nasabing panukala na tugunan ang masalimuot na kalagayang pandaigdig at mga hamon sa iba’t-ibang larangan.
Umaasa aniya siyang gaganap ng positibong papel ang UN sa mga suliraning pandaigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio