Tsina at Biyetnam, palalakasin ang kooperasyon sa pagpapatupad sa batas at seguridad

2023-09-15 11:03:47  CMG
Share with:

Nagtagpo, Setyembre 14, 2023, sa Beijing sina Chen Wenqing, Miyembro ng Pulitburo at Puno ng Commission for Political and Legal Affairs ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at To Lam, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Ministro ng Pampublikong Seguridad ng bansa.


Sinabi ni Chen na ang kooperasyon sa pagpapatupad sa batas at seguridad ay mahalagang bahagi ng bilateral na relasyon ng Tsina at Biyetnam.


Umaasa aniya siyang magkasama at maayos na isasakatuparan ng dalawang panig ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, pasusulungin ang kooperayon sa pagpapatupad sa batas at seguridad, at papatatagin ang pundasyong panseguridad ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Biyetnam.


Ipinahayag naman ni To Lam ang kahandaan ng Biyetnam, kasama ng Tsina, na pasulungin sa bagong antas ang kooperasyon sa pagpapatupad sa batas at seguridad.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio