Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa Cross-Strait Youth Development Forum

2023-09-15 16:02:41  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe, Setyembre 15, 2023 sa Cross-Strait Youth Development Forum na idinaos sa Hangzhou ng lalawigang Zhejiang, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kaloob ng porum ang mahalagang plataporma sa pagpapalitan at pagkakaunawaan ng mga kabataan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.

 

Umaasa aniya siyang sa pamamagitan nito, magkakaroon ng mapayapang pag-unlad sa relasyon ng magkabilang pampang Taiwan Strait at magiging matalik na magkaibigan ang mas maraming kabataan ng dalawang lugar.

 

Ipinahayag din ni Xi ang mainit na pagtanggap sa pagpunta ng mga kabataan ng Taiwan sa Chinese mainland, para abutin ang kanilang mga pangarap.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio