Mensaheng pambati, ipinadala ni Xi Jinping sa China-Europe Railway Express Cooperation Forum

2023-09-15 15:49:41  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Setyembre 15, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang pagbati sa China-Europe Railway Express Cooperation Forum.

Tinukoy niyang sapul nang maisaoperasyon ang China-Europe Railway Express, ito ay naging bagong palataporma ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan para sa mga bansa sa kahabaan ng ruta.

 

Aniya pa, ang daambakal ay mabisa ring nagpapatatag ng pandaigdigang kadena ng industriya at suplay.

 

Kasama ng iba’t-ibang may kinalamang panig, nakahanda ang Tsina na pasulungin ang pag-unlad ng daambakal tungo sa de-kalidad, episyente at mas maligtas na direksyon, dagdag ni Xi.

 

Sa ilalim ng temang “Deepening Interconnectivity and Promoting Win-Win Cooperation,” ang porum ay magkasamang inorganisa ng National Development and Reform Commission, Ministri ng Transportasyon, General Administration of Customs, China State Railway Group, at ilang lokal na pamahalaan ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio