Xi Jinping, nakipagtagpo sa Punong Ministro ng Kambodya

2023-09-15 15:59:21  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo ngayong umaga, Setyembre 15, 2023 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Hun Manet ng Kambodya, tinukoy ni Xi na ang Tsina at Kambodya ay matalik na magkaibigan.

 

Sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, nananatili aniyang malalim ang pagtitiwalaan at pantay ang pakikitungo ng Tsina at Kambodya sa isa’t-isa, at mayroong win-win na kooperasyon.

 

Dapat pahigpitin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pagpapatupad sa batas at pagbibigay-dagok sa on-line gambling at telecommunication fraud, palawakin ang kooperasyon sa edukasyon, turismo, medisina at kalusugan, dagdag ni Xi.

 

Ipinahayag naman ni Hun Manet na patuloy na igigiit ng bagong pamahalaan ng Kambodya ang mapagkaibigang pakataran sa Tsina, at patakarang isang-Tsina.

 

Kasama ng Tsina, nakahanda ang Kambodya na isakatuparan ang mahalagang komong palagay ng dalawang bansa, palalimin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at mga larangang gaya ng industriya, agrikultura, pamumuhunan at pagpapalitang tao-sa-tao, dagdag pa niya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio