Premyer Tsino at Pangalawang Pangulong Indones, nagtagpo

2023-09-17 14:47:43  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Setyembre 16, 2023 sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina nina Premyer Li Qiang ng bansa at Pangalawang Pangulong Ma'ruf Amin ng Indonesya, inihayag ng panig Tsino ang kahandaang isakatuparan ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa; palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal; matatag na kumatig sa isa’t-isa; at isagawa ang estratehikong kooperasyon sa mas mataas na lebel upang mapataas ang kalidad, lebel, at bisa ng konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng kapuwa bansa.


Kasama ng Indonesya, nais ng Tsinang palakasin ang multilateral na pagkokoordinahan, magkasamang pangalagaan ang pagkakaisa at namumukod na katayuan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at pangalagaan ang tumpak na direksyon ng kooperasyon ng Silangang Asya upang makapagbigay ng mas maraming katatagan at positibong puwersa sa pag-unlad ng rehiyon at buong mundo, ani Li.


Nagpasalamat naman si Ma'ruf Amin sa ibinibigay na suporta ng panig Tsino sa panunungkulan ng Indonesya bilang bansang tagapangulo ng ASEAN.


Kasama ng panig Tsino, nakahanda aniyang magsikap ang panig Indones upang mapalalim ang kooperasyon sa mga larangang tulad ng kabuhayan at kalakalan, at kultura, at magkapit-bisig para itayo ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio