Premyer Tsino't punong ministro ng Laos, nagtagpo

2023-09-17 14:49:55  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Setyembre 16, 2023 sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina nina Premyer Li Qiang ng bansa at Punong Ministro Sonexay Siphandone ng Laos, ipinahayag ng panig Tsino, na sa pamamagitan ng estratehikong pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, matatag na sumusulong ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Laos.


Kasama ng Laos, nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, upang mabuting ipatupad ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, mapalakas ang pag-uugnayan ng mga estratehiyang pangkaunlaran, at patuloy na palalimin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, upang mabenepisyuhan ang mga mamamayan ng dalawang bansa, at makapagbigay ng ambag sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.


Dagdag pa niya, sinusuportahan ng panig Tsino ang panunungkulan ng Laos bilang bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na taon, tungo sa magkasamang pagpapasulong ng konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at ASEAN.


Pinasalamatan naman ni Sonexay Siphandone ang ibinibigay na pagkatig ng panig Tsino sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Laos.


Pinapurihan din niya ang natamong bunga ng kooperasyong Lao-Sino.


Iginigiit ng panig Lao ang prinsipyong isang-Tsina, at buong tatag na sinusuportahan ang panig Tsino sa pangangalaga sa nukleong kapakanan nito, diin pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio