Sa pagtatagpo nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Pham Minh Chinh ng Biyetnam, Setyembre 16, 2023 sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina, sinabi ng panig Tsino, na sa pamumuno ng mga lider ng Tsina at Biyetnam, nananatiling mainam ang tunguhin ng relasyon ng dalawang partido at bansa.
Kasama ng Biyetnam, nakahanda aniyang magsikap ang Tsina upang ipatupad ang mahalagang napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, pangalagaan ang komong estratehikong kapakanan, at pasulungin ang walang patid na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames.
Dapat kontrolin ng kapuwa bansa ang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian, at proteksyunan ang pagkakapantay—pantay at katarungan, saad pa ni Li.
Ipinahayag naman ni Pham Minh Chinh na iginigiit ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina.
Kasama ng panig Tsino, nakahanda rin aniyang magsikap ang panig Biyetnames para ibayo pang mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mapasulong ang kooperasyon sa mga larangang tulad ng agrikultura, kabuhayan at kalakalan, pinansya at kultura, at maayos na kontrolin at pangasiwaan ang pagkakaiba.
Salin: Lito
Pulido: Rhio