Havana, Cuba — Sa kanyang talumpati, Setyembre 15, 2023 (lokal na oras), sa Summit ng Group of 77 (G77) plus China, ipinahayag ni Li Xi, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi Jinping, na patuloy ang paglakas ng puwersa ng mga umuunlad na bansa sa kasalukuyang daigdig.
Ngunit, may mga bansa aniyang malawakang nagsasagawa ng unilateral na sangsyon at nagsusulong ng pagkakawatak-watak, bagay na grabeng nakakapinsala sa lehitimong kapakanan at espasyong pangkaunlaran ng mga umuunlad na bansa.
Sinabi ni Li na dapat igiit ng G77 at Tsina ang orihinal na aspirasyon para sa pagsasarili at kolektibong paglakas sa pamamagitan ng pagkakaisa, isulong ang komong ideya ng halaga ng buong sangkatauhan, at itulak ang paraan ng paglutas sa mga alitan at hidwaan sa pagitan ng mga bansa sa mapayapang paraan upang magkakasamang maproteksyunan ang kapayapaan at katahimikan ng daigdig.
Aniya pa, ang Tsina ay pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, at kasama ng malawak na masa ng mga umuunlad na bansa, isinusulong nito ang pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran.
Kasama ng mga miyembro ng G77, nakahandang magsikap ang Tsina upang buksan ang bagong kabanata ng South-South cooperation at likhain ang bagong siglo ng komong pag-unlad, diin pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio