Wang Yi at Jake Sullivan, tinalakay ang relasyong Sino-Amerikano

2023-09-18 14:10:51  CMG
Share with:

Mula Setyembre 16 hanggang 17, 2023, nagkaroon ng ilang pagtatagpo sa Malta sina Wang Yi, Miyembro ng Pulitburo at Direktor ng Tanggapan ng Foreign Affairs Commission ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Jake Sullivan, National Security Adviser ng Amerika.


Tinalakay nila ang hinggil sa pagpapatatag at pagpapabuti ng relasyong Sino-Amerikano.


Idiniin ni Wang na ang isyu ng Taiwan ay unang red line sa relasyong Sino-Amerikano na hindi dapat tawiran.


Aniya, dapat sundin ng Amerika ang tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa at tupdin sa mga aktuwal na aksyon ang pangako sa hindi pagsuporta sa “pagsasarili ng Taiwan.”


Sinang-ayunan naman ng dalawang panig na patuloy na ipapatupad ang mahalagang komong palagay nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joseph Biden ng Amerika sa kanilang pagtatagpo sa Bali Island, Indonesia, pananatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, at idaraos ang mga pagsasanggunian tungkol sa suliranin sa Asiya-Pasipiko, isyung pandagat at diplomatikong patakaran.


Tinalakay nila ang hinggil sa ibayo pang pagpapasulong at pagpapadali ng pagpapalagayan ng mga tauhan ng dalawang bansa.


Tinalakay din nila ang mga isyung pandaigdig at panrehiyong gaya ng kalagayan ng rehiyong Asiya-Pasipiko, Ukraine, at Korean Peninsula.


Salin: Ernest

Pulido: Frank