Premyer ng Tsina at PM ng Malaysia, nagtagpo

2023-09-18 10:33:02  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Setyembre 17, 2023 sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina nina Premyer Li Qiang ng bansa at Punong Ministro Datuk Seri Anwar Ibrahim ng Malaysia, ipinahayag ng una ang kahandaan ng panig Tsino na sa patnubay ng mga lider ng dalawang bansa, ipagpatuloy at palalimin kasama ng Malaysia ang pagkakaibigan sa hene-henerasyon, pataasin ang lebel ng pagtitiwalaang pulitikal, palakasin ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran, ipagpatuloy ang de-kalidad na magkasamang pagtatayo ng “Belt and Road,” at ibayo pang palakasin ang pagpapalitang pangkultura upang benepisyunan ng mas mabuti ang mga mamamayan ng kapuwa bansa at makapagbigay ng mas malaking ambag sa katatagan at kasaganaan ng rehiyon.


Ipinahayag naman ni Anwar ang kahandaan ng kanyang bansa na kasama ng panig Tsino, ibayo pang palakasin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan at pasulungin ang relasyon ng Malaysia at Tsina.


Salin: Lito