Komong pag-unlad, isusulong ng Tsina at G77

2023-09-19 14:59:44  CMG
Share with:

 

Tinukoy, Setyembre 18, 2023 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na kasama ng mga miyembro ng Group of 77 (G77), nais itayo ng Tsina ang komunidad ng Global South na may pinagbabahaginang kinabukasan at likhain ang bagong panahon ng komong pag-unlad.

 

Ipinahayag din niya ang pagbati sa pagdaraos ng Summit ng G77 at Tsina.

 

Tungkol dito, sinabi niyang ibinigay ng nasabing summit ang positibong ambag sa pagpapalakas ng pagkakaisa at kooperasyon, at magkasamang pagharap sa hamon ng mga umuunlad na bansa.

 

Ani Mao, ayon sa Deklarasyon ng Havana na pinagtibay sa pulong, pasusulungin ang pagtatatag ng komunidad ng sangkatauhan na may pinagbabahaginang kinabukasan sa pundasyon ng ekstensibong konsultasyon, magkakasamang kontribusyon, at pinagbabahaginang benepisyo.

 

Ito aniya ay makakabuti sa lahat ng mga bansa at rehiyon ng buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio