Dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-8 Pambansang Kongreso ng Pederasyon ng mga May-kapansanan ng Tsina, Setyembre 18, 2023, dito sa Beijing.
Samantala, sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng bansa, ipinaabot ni Ding Xuexiang, Pangalawang Premyer ng Tsina, ang pagbati sa mga may kapansanan at kanilang pamilya, at pinasalamatan ang mga personahe mula sa iba’t-ibang sirkulo sa kanilang tulong.
Aniya, inilahad sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC ang maliwanag na kahilingan hinggil sa pagpapabuti ng sistema ng panlipunang seguridad ng mga may-kapansanan, at pagpapasulong ng komprehensibong pag-unlad ng usapin ng mga may-kapansanan.
Dapat magkoordinasyon ang mga kinauukulang departamento sa iba’t-ibang antas, at isulong ang paggalang sa sarili, tiwala sa sarili, at pagpapabuti sa sarili ng mga may-kapansanan, para sa proseso ng modernisasyong Tsino, malikha ang mas maligayang pamumuhay para sa mga may-kapansanan, dagdag ni Ding.
Mahigit 600 delegadong kumakatawan sa nasa 85 milyong may-kapansanan mula sa iba’t-ibang lugar ng Tsina ang kasali sa kongreso.
Bukod kay Xi, dumalo rin dito ang iba pang mataas na opisyal Tsinong gaya nina Li Qiang, Zhao Leji, Wang Huning, Cai Qi at iba pa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio