Liham sa Sino-American Aviation Heritage Foundation at Flying Tigers Veterans, ipinadala ni Xi Jinping

2023-09-19 15:20:14  CMG
Share with:

Sa kanyang liham, Setyembre 12, 2023 kina Jeffrey Greene, Tagapangulo ng Sino-American Aviation Heritage Foundation, Harry Moyer at Mel McMullen ng Flying Tigers Veterans, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtulungan ang mga Tsino at Amerikano para labanan ang mananalakay na Hapones, at dahil dito ay nalikha ang malalim na pagkakaibigan.

 

Aniya, ang pundasyon ng relasyong Sino-Amerikano ay nasa mga mamamayan, lalung-lalo na sa mga kabataan, kaya dapat ipagpatuloy ang diwa ng Flying Tigers sa hene-henerasyon.

 

Ang Sino-American Aviation Heritage Foundation ay pansibilyang organisasyong ng Amerika na itinatag noong 1998 para pasulungin ang pananaliksik at paggunita sa kasaysayan ng abiyasyon ng Tsina at Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio