Ika-20 CAExpo at Ika-20 CABIS, ipininid; kabuuang halaga ng nalagdaang kontrata, tumaas

2023-09-20 16:02:42  CMG
Share with:

Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina Ipininid Setyembre 19, 2023 ang Ika-20 China-ASEAN Expo (CAExpo) at Ika-20 China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).


Sa isang news briefing, ipinahayag ni Wei Zhaohui, Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng CAExpo, na umabot sa 470 ang bilang ng mga nalagdaang kontrata, at 487.3 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng mga ito – mas malaki ng 18% kumpara sa nagdaang ekspo.


Samantala, nakatakdang idaos ang Ika-21 CAExpo mula Setyembre 23 hanggang 27 ng susunod na taon.


Ang lunsod Zhengzhou ang magiging “City of Charm” sa Ika-21 CAExpo.


Salin: Lito

Pulido: Rhio