New York, punong himpilan ng United Nations (UN) — Sa pagbubukas, Setyembre 19, 2023 ng pangkalahatang debatehan ng Ika-78 Pangkalahatang Asemblea ng UN, ipinahayag ng mga lider at matataas na kinatawan ng mga bansa ang kani-kanilang posisyon tungkol sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad, pagharap sa krisis ng pagbabagi ng klima, pagpapahupa ng lumalalang situwasyong panrehiyon, pagpapasulong ng reporma sa UN at iba pang malalaking problema, at hamong kinakaharap ng komunidad ng daigdig.
Bukod dito, iniharap din nila ang mga kaukulang panukalang kalutasan.
Sa kanyang talumpati, nanawagan si Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng UN na isagawa ang reporma sa pandaigdigang sistemang multilateral, i-reporma ang UN Security Council (UNSC) ayon sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig, at irestruktura ang pandaigdigang estrukturang pinansyal.
Nanawagan din siya sa iba’t-ibang bansa na pondohan ang makataong aksyon sa daigdig, at bawasan ang pasaning pinansiyal ng mga umuunlad na bansa at bagong-sibol na ekonomiya.
Diin pa niya, kailangan ng mundo ang katalihuhang pulitikal sa halip na paglilinlang at deadlock.
Dapat din aniyang paliitin ng komunidad ng daigdig ang alitan, likhain ang kapayapaan, at pangalagaan ang dignidad at halaga ng lahat ng tao upang maisakatuparan ang sustenableng pag-unlad.
Salin: Lito
Pulido: Rhio