Paghahanda sa Ika-3 Porum ng Belt and Road sa Internasyonal na Kooperasyon, maalwang isinasagawa

2023-09-20 16:06:30  CMG
Share with:

Ipinahayag, Setyembre 19, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maalwang isinasagawa ang mga paghahanda para sa Ika-3 Porum ng Belt and Road sa Internasyonal na Kooperasyon.

 


Hanggang sa kasalukuyan, mayroon na aniyang mga kinatawan mula sa mahigit 110 bansa ang lalahok sa porum.

 

Sa panahon ng porum, idaraos aniya ang mga aktibidad na kinabibilangan ng seremonya ng pagbubukas; tatlong porum sa mataas na antas hinggil sa konektibidad, berdeng pag-unlad, didyital na ekonomiya; 6 na tematikong porum sa konektibidad ng kalakalan, konektibidad ng tao-sa-tao, pagpapalitan ng think tank, malinis na Silk Road, subnasyonal na kooperasyon at kooperasyong pandagat, at komperensya ng mga CEO.

 

Idaraos ang Ika-3 Porum ng Belt and Road sa Internasyonal na Kooperasyon sa Oktubre 2023, dito sa Beijing.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio