Pinto ng Hangzhou Asian Games, binuksan sa internasyonal na media; sustenableng kapaligiran, pinahahalagahan

2023-09-21 16:16:10  CMG
Share with:

Setyembre 20, 2023, lunsod Hangzhou – Kasabay ng pagbubukas ng pinto sa internasyonal na media ng Ika-19 na Hangzhou Asian Games, nagsimula na ring dumagsa sa lunsod ang mga mamamahayag at iba pang tauhang pang-media mula sa iba't-ibang bansa para ikober ang nasabing palaro.

 

 

 

Sa pagdating sa media village, na siya ring kanilang ang magiging tahanan sa loob ng isang buwan, isang maulang araw ang sumalubong sa mga mamamahayag.


Magkagayunman, kitang-kita pa rin ang ngiti sa mukha ng mga mamamahayag.



Kaugnay naman ng palaro, tiniyak ng mga tagapamahala ng media village na tutugunan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga media, at karamihan sa mga transaksyon ay didyital, cashless at seamless.

 

Sa darating na mga araw, inaasahang mapupuno ng mga tindahan ang nakapaligid na lugar.

 

Ang media village ay maayos, siksik ng serbisyo sa lahat ng lokasyon gaya ng mga lugar sa paglalakad o pagbibisikleta, at kaya nitong mag-akomoda ng mga 2,000 mamamahayag mula sa buong Asya.

 


At upang panatilihin ang antas ng enerhiya, tiniyak ng mga tagapag-organisa na ang mga panrehiyon at pandaigdigang putahe ng pagkain ay ihahanda para sa lahat.

 

Nitong nakalipas na ilang taon, pinapanatili ng Tsina ang berde at sustenableng kapaligiran, at ang Asian Games sa Hangzhou ay hindi naiiba sa aspektong ito.

 

Mahigpit na ipinapatupad ang food waste management at ang pag-uuri-uri ng mga nabubulok at di-nabubulok na basura.


Dagdag pa riyan, ang mga panauhin sa media village ay maaari ring makilahok sa programa na  redemption point, kung saan maaari nilang ipagpalit ang ilang recyclable na basura, upang maging mga point, at sa huli ay maaaring maipagpalit sa mga premyo.

 

Ulat: Ramil Santos

Editor sa teksto: Rhio Zablan/Jade

Editor sa website: Sarah