Ika-4 na “Klase ng Tiangong,” tagumpay

2023-09-22 16:06:28  CMG
Share with:

Mula sa Mengtian lab module sa istasyong pangkalawakan ng Tsina, sinimulan, Setyembre 21, 2023 ang 48 minutong Ika-4 na “Klase ng Tiangong,” kung saan, ibinihagi ng tatlong taikonaut na sina Jing Haipeng, Zhu Yangzhu at Gui Haichao ang mga kaalaman at impormasyon tungkol sa kalawakan.

 


Ito ang kauna-unahang pagkakataong inihatid ang “Klase ng Tiangong” mula sa Mengtian lab module.

 

Ibinahagi rito ng mga taikonaut ang uri ng pamumuhay sa istasyong pangkalawakan, at gumawa ng mga eksperimento sa agham.

 

Sa pamamagitan ng video link, isinagawa ng mga taikonaut at estudyente sa mundo ang real-time na pag-uusap.

 

Limang silid-aralan sa planetang Mundo ang itinayo para sa klaseng ito, na kinabibilangan ng Beijing, Alxa League ng Inner Mongolia, lunsod Yan’an ng lalawigang Shaanxi, at lunsod Tongcheng ng lalawigang Anhui, lunsod Ningbo ng lalawigang Zhejiang.

 

Mga 2,800 estudyante ang nakinig at lumahok sa klase.

 

Ayon sa ulat, patuloy na isasagawa ang “Klase ng Tiangong” sa hinaharap.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio