Natapos, Setyembre 21, 2023 sa Phnom Penh ng Kambodya ang "Peace Angel-2023," magkasanib na humanitaryong pagsasanay ng Tsina at Kambodya.
Kasama sa pagsasanay ang pagsasagawa ng dalawang panig ng pandaigdigang makataong tulong na gaya ng paghahanap at pagliligtas, paghahatid ng mga nasugatan at may sakit, at pagpigil at pagkontrol sa nakakahawang sakit.
Sa seremonya ng pagpipinid, ipinahayag ni Tea Seiha, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Depensa ng Kambodya, ang nabanggit na pagsasanay ay nagsisilbing bagong panimula sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga hukbo at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ito rin aniya ay may mahalagang katuturan para sa komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Kambodya at Tsina.
Samantala, nagbigay ng mga medikal na materyal ang tropang Tsino sa tropa ng Kambodyano.
Ang nabanggit na pagsasanay ay sinimulan noong Setyembre 16 na nilahukan ng mahigit 700 sundalo at 1,000 kagamitan ng dalawang panig.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio