Ika-19 Hangzhou Asian Games, binuksan

2023-09-23 20:26:32  CMG
Share with:

Binuksan gabi ng Sabado, Setyembre 23, 2023 sa Hangzhou ng lalawaigang Zhejiang ng Tsina ang ika-19 Asian Games (Hangzhou Asian Games).

Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang asawa na si Peng Liyuan.

 

Ito ang ikatlong beses na pagdaraos ng Asian Games sa Tsina pagkasunod ng 1990 Beijing Asian Games at 2010 Guangzhou Asian Games.

 

Ang Hangzhou Asian Games ay tatagal nang 16 araw at kinabibilangan ng 40 events at 481 sports na nilalahukan ng mahigit 12 libong atleta.

 

Ang bilang ng mga tauhan ng delegasyong Tsino sa Asiad ay umabot sa 1329, samantala ang bilang na ito ng delegasyong Pilipino ay umabot sa 396.