Bangketeng panalubong para sa mga panauhin ng Hangzhou Asian Games, idinaos

2023-09-23 14:43:16  CMG
Share with:

Idinaos ngayong araw sa Hangzhou ng lalawigang Zhejiang ng Tsina ang bangketeng panalubong para sa mga mahalagang panauhin na dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng ika-19 Asian Games (Hangzhou Asian Games).


Dumalo sa bangketeng ito sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang asawa na si Peng Liyuan.


Ipinahayag ni Xi, sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ang mainit na pagtanggap sa pagdalo ng naturang mga mahalagang panauhin sa seremonya ng pagbubukas ng Asiad.


Tinukoy ni Xi na dapat igiit ang pagpapasulong ng kapayapaan, pagkakaisa at pagbibigyan, sa pamamagitan ng palakasan, para pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng buong Asya.


Bago ang bangkete, nanood ng mga panauhin ang pagtatanghal ng intangible cultural heritage ng Zhejiang.