Sa kanilang pagtatagpo kahapon, Setyembre 22, 2023 sa Hangzhou ng lalawigang Zhejiang ng Tsina, ipinatalastas nina Pangulong Xi Jinping ng bansa at kanyang counterpart na si Bashar al-Assad ng Syria na itinatag ang estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Si Bashar ay dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng ika-19 Asian Games sa Hangzhou.
Tinukoy ni Xi na ang pagkakatatag ng estratehikong partnership ay mahalagang mile stone sa kasaysayan ng relasyon ng dalawang bansa.
Kasama ng Syria, nakahanda ang Tsina na buong sikap na payamanin ang nilalaman ng relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa ni Xi.
Ipinahayag naman ni Bashar na gumaganap ang Tsina ng mahalaga at konstruktibong papel sa mga suliraning pandaigdig at hinahangaan at kinakatigan ng kanyang bansa ang mga mungkahi ni Xi na gaya ng Belt and Road Initiative (BRI), Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative.
Pagkatapos ng pagtatagpo, magkasamang sinaksihan nila ang paglalagda sa mga dokumento ng kooperasyon sa konstruksyon ng BRI, pagpapalitan ng kabuhayan at kooperasyon sa siyensiya at teknolohiya.
Isinapubliko rin nila ang magkasanib na pahayag ng dalawang bansa hinggil sa pagtatatag ng estratehikong partnership.