Xi Jinping, nakipagtagpo sa presidente ng IOC

2023-09-23 12:13:27  CMG
Share with:

Nakipagtagpo kahapon, Setyembre 22, 2023 sa Hangzhou ng lalawigang Zhejiang ng Tsina si Pangulong Xi Jinping ng bansa kay Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), na dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng ika-19 Asian Games.


Pinasalamatan ni Xi ang pagsuporta ng IOC sa usapin ng Olimpiyada at palakasan ng Tsina noong mahabang panahon.


Idiniin ni Xi na palagiang pinahahalagahan ng Tsina ang usapin ng palakasan at aktibong lumahok sa pandaigdigang suliranin ng Olimpiyada.


Ipinahayag ni Bach na nagbigay ang pamahalaang Tsino ng mahalagang ambag para sa pandaigdigang kakilusan ng Olimpiyada.


Sinabi niyang buong sikap na iginigiit ng IOC ang multilateralismo at tinututulan ang pagsasapulitika ng palakasan. Dagdag pa niya, hinangaan ng IOC ang tamang paninindigang Tsino hinggil dito.


Saad pa niyang ikinagagalak ng IOC ang kooperasyon sa Tsina at pinasalamatan ang pagtulong ng Tsina sa usapin ng Olimpiyada.


Naniniwala aniya siyang magiging tagumpay at kahanga-hanga ang Hangzhou Asian Games.