Sa kanilang pagtatagpo ngayong araw, Setyembre 23, 2023 sa Hangzhou ng lalawigang Zhejiang ng Tsina, magkasamang ipinatalastas nina Pangulong Xi Jinping ng bansa at Punong Ministro Xanana Gusmao ng Timor-Leste na itinaas ang relasyon ng dalawang bansa sa komprehensibong estratehikong partnership.
Si Xanana ay dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng ika-19 Asian Games sa Hangzhou.
Tinukoy ni Xi na ang pagpapataas ng relasyon ng dalawang bansa sa komprehensibong estratehikong partnership ay angkop sa komong hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Idiniin ni Xi na dapat palalimin ng dalawang panig ang kooperasyon sa 4 na mahalagang larangang gaya ng pag-unlad ng larangan ng industriya, konstruksyon ng imprastruktura, seguridad ng pagkaing-butil at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Xanana na matatag na kumakatig at aktibong lumalahok ang kanyang bansa sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative.
Saad pa niyang matatag na iginigiit ng kanyang bansa ang patakarang isang Tsina at winelkam ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina.
Umaasa aniya siyang mapapahigpit ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangan ng imprastruktura, pagkaing-butil enerhiya, at kalusugan.
Isinapubliko nila ang magkasanib na pahayag ng dalawang bansa hinggil sa pagtatatag ng komprehensibong estratehikong partnership.