Xi Jinping, nakipagtagpo sa OCA acting president

2023-09-23 12:26:01  CMG
Share with:

Nakipagtagpo kahapon, Setyembre 22, 2023 sa Hangzhou ng lalawigang Zhejiang ng Tsina si Pangulong Xi Jinping ng bansa kay Raja Randhir Singh, acting president ng Olympic Council of Asia (OCA), na dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng ika-19 Asian Games.


Pinasalamatan ni Xi ang positibong ambag ng OCA para sa pag-unlad ng usapin ng palakasan ng Tsina at gawaing paghahanda para sa Hangzhou Asian Games.


Kasama ng OCA, nakahanda ang Tsina na pahigpitin ang kooperasyon para magkasamang pasulungin ang usapin ng Olimpiyada ng Asya, dagdag pa ni Xi.


Idiniin ni Xi na ang Hangzhou Asian Games ay ikatlong beses na pagdaraos ng Asian Games sa Tsina at puno ng kompiyansa ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa matagumpay na pagdaraos ng Hangzhou Asian Games para palalimin ang pagkakaisa at pagkakaibigan ng mga mamamayang Asyano.


Ipinahayag naman ni Singh na ang mga stadium at pasilidad ng Hangzhou ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa kanya at ikinasisiya ng mga kalahok na atleta ng Asian Games ang hinggil dito.


Naniniwala aniya siyang magiging tagumpay at makukulay ang Hangzhou Asian Games.