Pangulong Tsino at Hari ng Cambodia, nagtagpo

2023-09-23 13:12:05  CMG
Share with:

Nagtagpo ngayong umaga, Setyembre 23, 2023 sa Hangzhou ng lalawigang Zhejiang ng Tsina sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Norodom Sihamoni ng Cambodia.


Si Sihamoni ay dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng ika-19 Asian Games sa Hangzhou.


Tinukoy ni Xi na malalim ang pagkakaibigan ng Tsina at Cambodia at pinahahalagahan ng panig Tsino ang espesyal na pagkakaibigan sa royal family ng Cambodia at pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.


Idiniin ni Xi na kinakatigan ng Tsina ang pagpili ng Cambodia ng landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayan at kinakatigan rin ng Tsina ang katatagan at kaunlaran ng Cambodia.


Ipinahayag ni Sihamoni na naniniwala siyang magiging kahanga-hanga ang Hangzhou Asian Games.


Sinabi pa niyang iginigiit ng kanyang bansa ang patakarang isang Tsina at pinahahalagahan naman ng mga mamamayan ng Cambodia ang pagkakaibigan sa Tsina.