Xi Jinping, nakipagtagpo sa Kuwaiti crown prince

2023-09-23 12:58:27  CMG
Share with:

Nakipagtagpo kahapon, Setyembre 22, 2023 sa Hangzhou ng lalawigang Zhejiang ng Tsina si Pangulong Xi Jinping ng bansa kay Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah, Crown Prince ng Kuwait, na dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng ika-19 Asia Games.


Tinukoy ni Xi na malalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa at mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan sapul nang itatag ang kanilang relasyong diplomatiko.


Kamasa ng Kuwait, nakahanda ang Tsina, na magkasamang magsikap para pasulungin ang mas malaking progreso ng relasyon ng dalawang bansa, dagdag pa ni Xi.


Ipinahayag ni Mishal na ikinasisiya ng pamahalaan at mga mamamayan ng Kuwait ang mga bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa.


Saad pa niyang matatag na kumakatig at lumalahok ang kanyang bansa sa mga mungkahi ng Tsina na gaya ng Belt and Road Initiative (BRI), Global Development Initiative, Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative.


Pagkatapos ng pagtatagpo, magkasamang sinaksihan nila ang paglalagda sa magkasamang pahayag ng panlimahang taong plano ng kooperasyon ng dalawang bansa mula 2024 hanggang 2028, at mga dokumento ng kooperasyon sa renewable energy, konstruksyon ng imprastruktura, at pangangalaga sa kapaligiran.