Sa paanyaya ng Rassemblement National des Independants ng Morocco, bumisita ang delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na pinamunuan ni Yi Li, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, sa Morocco mula Setyembre 21 hanggang 23.
Kinatagpo siya ng mga opisyal ng Morocco.
Ipinahayag ni Yi na sa estratehikong pamumuno nina Pangulong Xi Jinping at Haring Mohammed VI, mabilis na umuunlad ang relasyon ng Tsina at Morocco.
Nakahanda aniya ang Tsina na samantalahin ang pagkakataon ng ika-65 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Morocco, palalimin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Morocco upang ibayong mapasulong ang estratehikong partnership ng kapuwa bansa.
Pinasalamatan naman ng panig Moroccan ang ibinigay na tulong at suporta ng panig Tsino sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon ng Morocco pagkatapos ng lindol.
Ipinahayag ng opisyal Moroccan ang kanilang kahandaang magsikap kasama ng panig Tsino upang mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng kapuwa panig.
Salin: Lito