Solomon Islands PM sa Hapon: itigil ang pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat

2023-09-24 12:33:46  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pangkalahatang debatehan ng Ika-78 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UN), hiniling Setyembre 22, 2023 ni Punong Ministro Manasseh Sogavare ng Solomon Islands sa Hapon na itigil ang pagtatapon ng nuklear na kontaminadong tubig sa dagat.


Sinabi niya na ang kilos ng Hapon ay atake sa pagtitiwalaan at pagkakaisa ng buong mundo.


Wala pang konklusyon ang assessment report ng International Atomic Energy Agency (IAEA), at di sapat at di komprehensibo ang mga ibinabahaging siyentipikong datos tungkol dito, aniya.


Hinimok din niya ang panig Hapones na isaalang-alang ang ibang paraan sa paghawak sa nuklear-kontaminadong tubig.


Salin: Lito