Pangalawang premyer Tsino, dumalo sa aktibidad ng 2023 Chinese Farmers’ Harvest Festival

2023-09-24 12:14:32  CMG
Share with:

Wuhu, probinsyang Anhui ng Tsina — Sa kanyang pagdalo Setyembre 23, 2023 sa aktibidad ng 2023 Chinese Farmers’ Harvest Festival, ipinagdiinan ni Liu Guozhong, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa, na dapat mataimtim na pag-aralan at ipatupad ang mahalagang diwa ni Pangulong Xi Jinping, at isakatuparan ang desisyon ng Komite Sentral ng CPC upang komprehensibong pasulungin ang pag-ahon ng kanayunan at mapabilis ang pagtatayo ng malakas na bansa sa agrikultura.


Sinabi niya na sa okasyon ng Ika-6 na Chinese Farmers’ Harvest Festival, ipinahayag ni Pangulong Xi ang taos-pusong pagbati at pangungumusta sa mga magsasaka, at trabahante sa agrikultura at kanayunan sa buong bansa.


Ito aniya ay lubos na nagpakita ng mataas na pagpapahalaga ng Komite Sentral ng CPC sa gawaing agrikultural.


Salin: Lito