Ika-23 CIIF, ipininid

2023-09-24 12:20:36  CMG
Share with:

Shanghai — Ipininid Setyembre 23, 2023 ang 5 araw na Ika-23 China International Industry Fair (CIIF) na may temang “Digital Economy & Industrial Decarbonization.”


Ayon sa estadistika, mga 205 libong person-time na propresyonal na manonood ang bumisita sa peryang ito. Ito ay mas malaki ng 6.89% kumpara sa Ika-22 CIIF na idinaos noong taong 2020.


Bilang mahalagang plataporma sa pagpapasulong ng pandaigdigang pagpapalitan at pagtutulungan ng kabuhayang industriyal, lumalaki nang lumalaki ang “circle of friends” ng CIIF. Halos 30% eksbitor sa CIIF sa kasalukuyang taon ay mula sa mga pandaigdigang tatak.


Salin: Lito