Unang medalyang ginto ng Hangzhou Asian Games, nasungkit ng delegasyong Tsino

2023-09-25 14:53:57  CMG
Share with:

Nakamit, Setyembre 24, 2023 ng mga atletang Tsinong sina Zou Jiaqi at Qiu Xiuping ang unang medalyang ginto ng Hangzhou Asian Games sa women's lightweight double sculls rowing event.


Bukod diyan, sa 31 medalyang ginto naipinamigay sa unang araw ng kompetisyon ng Hangzhou Asian Games, 20 ang napasakamay ng delegasyong Tsino.


Ang Tsina ang siyang nangunguna sa talaan ng medalya.


Samantala, nakuha naman ng delegasyon ng Timog Koreano ang 5 gintong medalya, at sila pumapangalawa sa listahan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio