Relasyon ng Tsina at Brazil, isusulong pa

2023-09-25 10:03:57  CMG
Share with:

Sa paanyaya ng pamahalaan ng Brazil at Workers' Party, isinagawa ni Li Xi, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kalihim ng CPC Central Commission for Discipline Inspection, ang opisyal na pagdalaw sa Brazil.


Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brazil, ipinahayag ni Li na ang kasalukuyang taon ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Brazil.


Sa pamamagitan ng maraming beses na pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Lula, magkasama silang nakalikha ng kinabukasan ng relasyong Sino-Brazilian sa makabagong panahon, ani Li.


Nakahandang magsikap ang CPC kasama ng Workers’ Party ng Brazil upang mapalakas ang kanilang pagpapalitan at mapasulong pa ang relasyon ng kapuwa bansa.


Ipinahayag naman ni Lula na kapansin-pansing bunga ang natamo ng kooperasyong Brazilian-Sino.


Inaasahan aniya ng Brazil na mapapasulong ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa, mapapalakas ang kooperasyon nila ng Tsina sa multilateral na mekanismo, at mapapasulong ang mapayapang pag-unlad ng daigdig.


Salin: Lito