2025 Asian Winter Games, idaraos sa Harbin ng Tsina

2023-09-25 16:02:40  CMG
Share with:

Hangzhou, probinsyang Zhejiang ng Tsina – Nilagdaan, Setyembre 24, 2023 ng pamahalaan ng lunsod ng Harbin, Chinese Olympic Committee at Olympic Council of Asia (OCA) ang kasunduan hinggil sa pagtataguyod na lunsod Harbin ng Ika-9 na Asian Winter Games sa taong 2025.

 

Sa ika-42 plenaryo ng OCA noong Hulyo 8, 2023, sa Bangkok ng Thailand, ipinatalastas nitong natamo ng lunsod Harbin ang karapatan sa pagtataguyod ng Ika-9 na Asian Winter Games.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio