Beijing – Sa kanyang mensaheng pambati, Setyembre 25, 2023, sa Global Sustainable Transport Forum (GSTF), sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na pinapalakas ng bansa ang kakayahan sa transportasyon, at patuloy na pasusulungin ang pandaigdigang kooperasyon sa transportasyon para ipagkaloob ang bagong pagkakataon sa buong daigdig sa pamamagitan ng sariling pag-unlad.
Alinsunod sa prinsipyo ng ekstensibong konsultasyon, magkakasamang kontribusyon at pinagbabahaginang benepisyo, nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng iba’t-ibang bansa, para mas mabuting ihatid ang benepisyo ng sustenableng trasportasyon sa mga mamamayan ng buong mundo, saad ni Xi.
Sa ilalim ng temang “Sustenableng Transportasyon: Magkakasamang Pagsisikap Tungo sa Pagpapasulong ng Pandaigdigang Pag-unlad,” binuksan ngayong araw at tatagal hanggang Setyembre 26, 2023, ang GSTF.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio