CMG Komentaryo: Hangzhou Asian Games, mainit na tinatanggap ng mga Asyano

2023-09-25 15:58:34  CMG
Share with:

Pormal na binuksan, Setyembre 23, 2023 sa lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang, gawing silangang Tsina ang ika-19 na Asian Games.

 

Ito ang ikatlong beses nang pagdaraos ng Asian Games sa Tsina matapos ang 1990 Beijing Asian Games at 2010 Guangzhou Asian Games.

 

Lahat ng 45 miyembro ng Olympic Council of Asia (OCA) at mahigit 12 libong atleta ang kalahok dito.

 

Sila ay magkokompetisyon sa 40 kaganapan.

 

Ang Ika-19 na Hangzhou Asian Games ang pinakalamalaking Asiad sa kasaysayan, at ito rin ay mainit na suportado ng mga mamamayang Asyano.

 

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na bilang pinakamataas na antas ng paligsahan sa buong Asya, dala ng Asiad ang adhikain ng mga mamamayang Asyano sa kapayapaan, pagkakaisa, at pagbibigyan.

Ipinanawagan din ni Xi ang pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at pagbibigyan, sa pamamagitan ng palakasan.

 

Sa pamamagitan ng Ika-19 na Hangzhou Asian Games, naipapakita ng Tsina ang bukas, masigla at modernisado nitong imahe sa Asya at daigdig.

 

Masasabing ito ay magbibigay ng bagong ambag sa pag-unlad ng Kilusang Olimpiyada, at pagkakaisa at pagkakaibigan ng mga Asyano.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio