Turistang Tsino, sinalubong ng Thai PM sa paliparan

2023-09-26 15:34:38  CMG
Share with:

Bilang malugod na pagtanggap, sinalubong, Setyembre 25, 2023 ni Punong Ministro Srettha Thavisin ng Thailand sa Pandaigdigang Paliparan ng Suvarnabhumi sa Bangkok ang mga turistang Tsino.

 

Si Punong Ministro Srettha Thavisin ng Thailand sa paliparan (photo from Xinhua)


Nananalig aniya siyang ang visa-free entry policy ay makakatulong sa pagbangon ng kabuhayan ng bansa.

 

Sinimulan, Setyembre 25, 2023 ang 5 buwan na polisiya ng visa-free entry para sa mga turistang Tsino.

 

Ayon sa pagtaya ng Awtoridad ng Turismo ng Thailand, ang nasabing polisiya ay posibleng makalikha ng 140.6 bilyong Baht (mga US$3.8 bilyon) na kita para sa Thailand.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio