White paper ng pandaigdigang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, inilabas ng Tsina

2023-09-26 10:53:21  CMG
Share with:

 

Inilabas ngayong araw, Setyembre 26, 2023 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado o Pamahalaang Sentral ng Tsina ang white paper na pinamagatang "A Global Community of Shared Future: China's Proposals and Actions" para ilarawan ang blueprint sa pagtatayo ng mas magandang daigdig.

 

Anito, ang ideya ng pandaigdigang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, 10 taon na ang nakakaraan, ay naglalayong ilahad ang bagong kaisipan ng Tsina hinggil sa relasyong pangdaigdig, pangangasiwang pandaigdig at pagpapalitang pandaigdig.

 

Ang ideyang nabanggit ay humihigit sa eksklusibong panuntunan ng bloc politics, kaisipan ng "might makes right," at "unibersal na pagpapahalagang" itinakda ng ilang kanluraning bansa, dagdag ng dokumento.

 

Anang ng white paper, nais din ng ideyang ito na pasulungin ang pagtatatag ng isang daigdig na bukas, pantay, makatarungan, dibersipikado, kooperatibo at maharmonya.

 

Napapaloob din sa naturang dokumento ang mga mungkahi ng Tsina hinggil sa relasyong pandaigdig, kapaligiran ng seguridad, pag-unlad, pagpapalitan sa pagitan ng mga sibilisasyon at sistemang ekolohikal。


Salin: Ernest

Pulido: Rhio