China Documentary Festival, idinaos sa ECLAC

2023-09-26 16:30:45  CMG
Share with:

Upang mailahad ang ideya ng pandaigdigang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan at mga kuwento hinggil sa magkasamang konstruksyon ng Belt and Road Initiative (BRI), idinaos ng China Media Group (CMG), Setyembre 25, 2023 sa punong himpilan ng Economic Commission for Latin America and the Caribbean (ECLAC), sa Santiago, Chile ang China Documentary Festival.

 

Ayon kay Presidente Shen Haixiong ng CMG, mabunga ang kooperasyon ng Tsina at Latin Amerika sa ilalim ng BRI, at kabilang sa mga larangang nagtamo ng pag-unlad ay pamumuhunan, kalakalan, industriya at kultura.

 

Ang mga bungang ito ang dahilan ng pagtataguyod ng CMG sa China Documentary Festival, saad niya.

 

Samantala, sinabi naman ni José Manuel Salazar-Xirinachs, Ehekutibong Kalihim ng ECLAC, na mataas ang ekspektasyon ng ECLAC sa pagbibigay-tulong ng BRI sa sustenableng pag-unlad ng mga bansa ng Latin Amerika.

 

Ipinakikita aniya ng pagdaraos ng China Documentary Festival sa punong himpilan ng ECLAC ang positibong papel ng media ng Tsina sa aktuwal na kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig.

 

Ang China Documentary Festival ay taunang aktibidad na tatagal hanggang sa katapusan ng 2023.

 

Mula kahapon, sinimulang isahimpapawid ng CMG ang 10 dokumentaryo sa mga pangunahing media ng Latin Amerika.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio